Friday, October 2, 2026

Higit 4-K na guro sa Region II, na-promote sa ilalim ng Expanded Career Progression System

COURTESY: PCO

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panunumpa sa tungkulin ng 4,125 bagong promote na guro at kawani ng Department of Education (DepEd) sa Region 2 ngayong Biyernes.

Bahagi ito ng Expanded Career Progression System na layong mapabilis ang promosyon ng mga guro.

Ayon sa pangulo, sa dating sistema, inaabot ng 10 hanggang 20 taon bago ma-promote ang isang Teacher I bilang Teacher III.

Pero dahil sa bagong sistema, hindi na aniya dapat umabot sa pagreretiro ang mga guro nang hindi nabibigyan ng pagkakataong umangat sa kanilang karera.

Sa datos ng pamahalaan, nasa 82,105 guro at school head na sa buong bansa ang na-promote sa ilalim ng programa.

Facebook Comments