Buong probinsya ng Lanao del Sur,ipinasasailalim sa rehabilitasyon

13

Manila, Philippines – Bukod sa Marawi City, dapat ring maisailalim sa rehabilitasyon ang buong Lanao del Sur.

Ayon kay Provincial Crisis Management Committee Spokesman Zia Alonto Adiong, ito ay para ma-decongest ang Marawi.

Aniya, hindi lang mga bahay ang isasailalim sa rehabilitasyon kundi maging ang suplay ng tubig at kuryente.

Dapat rin aniyang magkaroon ng road widening at road linkages sa mga kalapit na bayan.

Mahalaga aniyang na may maayos na urban rehabilitation para matiyak ang pagbangon ng Marawi.
tags:

Facebook Comments