PANTAY NA OPORTUNIDAD | 50% discount sa campaign ads para sa mga kakandidato, isinusulong sa Kamara

Manila, Philippines – Tuluyan nang nakapasa sa Kamara ang panukalang batas na nagtatakda ng 50% discount na campaign ads sa mga radyo, telebisyon at dyaryo para sa mga partido at kandidato sa halalan.

Layon ng House Bill 6604 na bigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng mga kandidato na maka-avail ng abot-kayang political propaganda.

Sakaling maging ganap na batas, ipagbabawal ang paniningil ng mga media outlets sa mga pulitiko at partido ng rate na mas mataas pa kumpara sa mga regular advertisers.


Sa ilalim ng batas na ito, 30% lamang ang diskwento sa campaign ads sa TV, 20% sa radyo, at 10% sa print para sa unang tatlong quarter ng taon bago ang nakatakdang eleksyon.

Facebook Comments