Magpapatupad ng mas mahigpit na requirement ang Bureau of Immigration sa mga dayuhang nais magtrabaho sa Pilipinas.
Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na hindi magbibigay ng special work permit o provisional work permit ang B.I. sa mga dayuhang nais magtrabaho sa bansa bilang construction workers, karpintero, cashier, janitor, at iba pang blue collar jobs.
Sa mga propesyunal namang dayuhan na gustong magtrabaho sa Pilipinas, oobligahin silang kumuha muna ng permiso mula sa Professional Regulation Commission o PRC.
Layon nito na maprotektahan ang mga trabahong para lang dapat sa mga Pinoy.
Kailangan ding magsumite ng patunay ng pananatili sa bansa, address, uri ng negosyo at pinansyal na kapasidad ng papasukang kumpanya.
Tanging immigration officers sa main office ng B.I. at mga alien control officer sa mga field office ng B.I. ang otorisadong mag-apruba o tumanggi sa mga dayuhang mag aaply ng work permit.