Mahigpit ang pagbabantay ng Bureau of Immigration sa mga paliparan at pantalan sa bansa kasunod ng Hold Departure Order o HDO ng Korte laban kay dating Police Colonel Eduardo Acierto at sa anim na iba pang sangkot sa 2.4-billion shabu smuggling sa bansa
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, inilabas ang HDO isang araw matapos ang paglalabas ng warrant of arrest laban kay Acierto at iba pang akusado.
Inatasan ng korte ang Bureau of Immigration na huwag hahayaang makalabas ng bansa si Acierto ang ang iba pang mga kasama sa HDO
Sa records ng BI, nasa bansa pa rin sina Acierto at Fajardo.
Si Acierto ay huling umalis ng bansa noong April 2017 habang si Fajardo ay noon pang Mayo 2015 ang huling lumabas ng bansa
Bukod kay Acierto, kasama sa HDO sina dating PDEA deputy director for administration Ismael Fajardo; mga importers na sina Chan Yee Wah, alias KC Chan, at Zhou Quan, alias Zhang Quan; mga consignees ng shabu shipment na sina Vedasto Cabral Baraquel Jr. at Maria Lagrimas Catipan of Vecaba Trading, at Emily Luquingan.
Nauna nang naghain ang DOJ ng mga kaso laban kina Acierto dahil sa drug importation na isang non-bailable offense.