Mayor Sara Duterte, may kalayaaan na tutulan ang federalism

Binigyang diin ni Senate President Tito Sotto III na malaya ang sinuman na magpahayag ng opinyon.

 

Reaksyon ito ni Sotto imakaraang sabihin ni Davao City Mayor Sara Duterte na tutol sya sa federalism na isinusulong naman ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Magugunita na una ng inihayag ni Sotto na makabubuting obserbahan muna ang implementasyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao bago isakatuparan ang federalism.


 

Una ng ipinaliwanag ni Sotto na ang Bangsamoro government ay saktong modelo para sa panukalang pagpapalit ng porma ng ating gobyerno patungong federalism.

Facebook Comments