Bureau of Plant Industry, ipatatawag muli sa Kamara dahil sa pagpasok ng smuggled na gulay at prutas

Pupulungin muli ni Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang Bureau of Plant and Industry (BPI) oras na mag balik session ang Kongreso ngayong Enero.

Ang pagsasagawa ng pulong ay bunsod na rin ng hinaing ng Benguet Farmers Marketing Cooperative sa pagpasok ng strawberries mula South Korea.

Nababahala ang kinatawan na nagpapatuloy pa rin ang malawakang pagpasok sa bansa at sa local market ng imported at misdeclared plant products tulad ng gulay at prutas.


Matapos lamang aniya ang break ng Kamara ay agad nitong pahaharapin ulit sa komite ang BPI upang alamin kung naghigpit na ba ito sa inspection ng imported plant products.

Una na kasing inamin ng BPI na hindi nila na iinspeksyon lahat ng shipment na dahilan para mas maging talamak ang smuggling at misdeclaration ng mga plant products.

Facebook Comments