Kumukuha na ng detalye ang Bureau of Quarantine sa Philippine Airlines para matukoy ang 283 na pasahero at 19 na crew ng PR 8661 na dumating sa bansa mula Lebanon noong December 29, 2020.
Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang apat na sakay ng nasabing eroplano.
Isa rito ay taga-Leon, Iloilo at sa Binangonan, Rizal na kapwa positibo sa UK variant.
Sinabi ni Dr. Alethea De Guzman ng Department of Health (DOH) na sa naturang biyahe ay 228 na pasahero ang nagnegatibo sa COVID-19 habang 51 na pasahero at 19 na crew ang inaalam pa ang resulta ng pagsusuri.
Kung may magpopositibo aniya sa mga ito ay agad na isasailalim sa genome sequencing ang makukuha sa kanilang sample.
Inaalam pa ng DOH kung nasa Binangonan nga talaga ang isa sa mga tinamaan ng sakit habang nakumpirma nang nasa Keon, Iloilo ang isa pang overseas Filipino worker na ngayon ay asymptomatic.
Samantala, sinimulan na rin ang contact tracing sa mga iba pang pasahero na kasama namang dumating sa bansa nang taga-Quezon City na nagpositibo rin sa UK variant.
Ito ay matapos mahanap ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa pang pasahero na mula sa kabuuang bilang na 159.