Burol ni dating Pangulong FVR, binuksan na sa Heritage Park, Taguig City

Binuksan na ang burol ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos (FVR) sa Heritage Park, Taguig City.

Base sa pahayag na inilabas ni Sam Ramos-Jones apo ni FVR, ang kanilang pamilya ay nagpasalamat sa lahat ng nakikiramay at nakikidalamhati sa pagpanaw ng dating pangulo.

Pero dahil nga sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19, nagdesisyon ang pamilya na gawing batches ang pagdalaw sa burol ni FVR.


Sa mga nais na makidalamhati at dadalaw sa burol narito ang inilabas na schedule ngayong Huwebes, Agosto 4, 2022.

Mula alas-7 ng umaga hanggang alas-2:30 ng hapon ay mga government officials.

Alas-3:00 hanggang 4:30 ng hapon ay pawang mga miyembro ng dating gabinete ni FVR.

Alas-5 ng hapon service/mass.

Alas-6:30 hanggang alas-8:00 ng gabi ay ang inihandang tributes at alas-10 ng gabi magtatapos ang bisita.

Magsisimula pa sa Linggo, Agosto 7, ang public viewing simula alas-7:00 ng umaga hanggang 2:30 ng hapon at sa Lunes, Agosto 8, alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Ang state funeral naman ay gagawin sa Martes, Agosto 9, alas-10 ng umaga sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Facebook Comments