Burol ni Rep. Batocabe, binuksan na sa publiko

Binuksan na sa publiko ang burol ni Ako Bicol Partylist Rep. Atty. Rodel Batocabe sa Daraga, Albay.

Ang labi ni Batocabe ay nakahimlay sa Arcilla Hall sa harap ng Bicol College.

Nakatakdang ihatid sa kaniyang huling hantungan si Batocabe sa Lunes, Disyembre 31.


Maaari namang magpunta sa memorial service sa Kamara sa Enero 14 ang mga kamag-anak at kaibigan ng mambabatas na hindi makakapunta sa Daraga.

Kasabay nito, nagpasalamat naman ang anak ng mambabatas na si Kiel Batocabe sa mga nagpahayag ng pakikiramay sa kanilang pamilya.

Facebook Comments