Bus driver na nakahit-and-run sa isang matandang lalaki sa Quezon City, sumuko na!

Manila, Philippines – Sumuko na ang driver ng pampasahero bus na naka-hit-and-run ang isang matandang lalaki sa Quezon City.

Batay sa CCTV video, makikita kung paano nahulog, nakaladkad hanggang sa nagulungan ang biktimang si Pedro Sarmiento ,73-anyos ng bus na minamaneho ni Virgilio Jose, 58-anyos.

Ayon kay Jose, hindi niya nakita sa side mirror ang biktima.


Hirit naman ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection – kailangan nang magkaroon ng mahigpit na batas laban sa mga driver na nakapapatay ng mga pasahero at pedestrian.

Inirekomenda na ng piskalya na isailalim sa preliminary investigation ang mga kasong isinampa laban sa driver dahil hindi naman siya arestado.

Samantala, haharap sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang driver, operator na bagong buhay transport service cooperative at pamilya ng biktima sa Hulyo 11.
*

Facebook Comments