Senator Trillanes, tinawag na KSP ni Senator Gordon

128

Manila, Philippines – Dismayado si Senator Richard Gordon sa pagtawag ni Senator Antonio Trillanes IV sa kanyang mga kasamahan bilang duwag at puppet o tuta ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Gordon, KSP o kulang sa pansin si Trillanes at target ng mga tantrums o rantings nito ang atensyon ng media.

Giit ni Gordon, hindi nararapat ang nabanggit na pahayag ni Trillanes.


Dagdag pa ni Gordon, dapat ay umakto bilang isang senador si Trillanes at magpakalalaki upang maihahayag nito sa loob ng kongreso ang anumang saloobin.

Facebook Comments