Lalaking nagpakita ng kalaswaan sa loob ng jeep sa Caloocan City, arestado

375

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos magpakita ng kalaswaan sa mga kapwa nitong pasahero sa bumibyaheng jeep sa Caloocan City.

Sa cellphone video na kuha ng isa sa mga pasahero, tila parang may tinatago lang sa kanyang bag ang suspek na si Bade Escalante.

Inakala ng mga pasahero na holdaper ang suspek pero nagulat siya na hindi baril ang nilabas nito.


Sa takot ng mga pasahero kung saan karamihan ay mga babae ay bigla silang nagsibabaan sa jeep.

Agad naman nilang isinumbong sa mga naka-diyuting tauhan ng Caloocan traffic sa lugar at ipinaaresto ang suspek.

Aminado naman ang suspek na nakainom siya pero itinanggi niya na nagpakita siya ng kalaswaan.



Itinurn-over na sa Caloocan PNP si Escalante na inireklamo sa kasong public scandal.

Facebook Comments