Bus na may lulang 47 na mga guro mula QC, nahulog sa bangin sa Bataan

Nahulog sa bangin ang isang service bus ng Department of Education (DepEd) sa Orani, Bataan, pasado alas-11:00 umaga ng Sabado.

Sa inisyal na ulat mula kay Bataan Police Director Police Col. Romell Velasco, isang JAC Ankai Bus na may plakang SAA 9845 na minamaneho ni Marcelino Oliva, 62-anyos, ang nagkaroon ng break malfunction at nalaglag sa bangin sa sharp curve patungo sa Pagasa, Orani, Bataan.

Ang naturang bus ay may sakay na 47 na mga guro mula sa Quezon City.


Kaagad na sumaklolo ang Orani Rescue Unit, Metro Bataan Development Authority o MBDA para saklolohan ang mga sugatan.

Facebook Comments