Babae na sangkot sa human trafficking, kinasuhan na ng NBI

Pormal ng kinasuhan ng human trafficking ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Batangas Provincial Prosecutor’s Office ang isang indibidwal sa Balayan, Batangas dahil sa kasong sexual exploitation.

Nauna nang naaresto si Darrah Mae Grey matapos makatanggap ng reklamo ang NBI kaugnay sa pang-aalok nito ng mga kababaihan gamit ang Facebook.

Dinakip ang suspek sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng NBI sa isang resort sa Balayan, Batangas.


Na-rescue sa operasyon ang 11 babae kung saan isa rito ay menor de edad.

Facebook Comments