Bus na sakay ang 21 LSIs, naaksidente sa Sta. Rita, Samar

Nakaligtas sa nangyaring vehicular accident ang 21 mga Locally Stranded Individual (LSI) sa Sta. Rita, Samar, alas-3:00 kaninang madaling araw.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Samar Police Provincial Director Colonel Andre Dizon, binabagtas ng Partas bus ang Maharlika Highway sa Sitio Cantaba, Barangay Caticugan, Sta. Rita, Samar, sakay ang mga LSI na kabilang sa Hatid Tulong Program ng gobyerno dahil pa rin sa nararanasang COVID-19 pandemic.

Bumabiyahe sila mula Manila patungo ng Mindanao pero pagsapit sa pakurbang bahagi ng kalsada sa Maharlika Highway ay tuluy-tuloy na dumausdos ang bus sa mga bahay sa gilid ng kalsada at nahagip pa ang wire ng Globe Telecom.


Sa kabila nang impact ng sasakyan sa mga bahay, tiniyak ni Dizon na walang naitalang sugatan sa nangyaring aksidente.

Facebook Comments