BUS SPECIAL PERMIT | Pagtanggap ng aplikasyon, sisimulan na ng LTFRB sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Sa susunod na linggo, sisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa bus special permit ngayong Christmas season.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III – simula November 19 hanggang 29, pwede nang maghain ng aplikasyon ang mga bus.

Pero ayon kay Delgra, 25 percent lang ng kabuuang authorized unit kada prangkisa ang papayagang bumiyahe ng labas sa kanilang ruta.


Hindi rin dapat lalagpas sa sampung taong gulang ang mga unit na ia-apply.

Dagdag pa ni Delgra, hindi bibigyan ng special permit ang mga operator namay certificate of public convinience na iisa lang ang unit.

Nagpaalala rin ang opisyal sa mga operator na huwag kalimutang tukuyin sa kanilang petisyon ang terminal at ruta ng kanilang destinasyon.

Magkakabisa ang special permit ng mga bus simula sa Disyembre 23 hanggang January 3, 2019.

Facebook Comments