PAG-IBIG ON WHEELS, UMARANGKADA SA SAN NICOLAS; IBA’T IBANG SERBISYO, PINAKINABANGAN NG MGA RESIDENTE

Umarangkada sa San Nicolas ang Pag-IBIG on Wheels, na nagdala ng iba’t ibang serbisyo ng Pag-IBIG Fund para sa mga residente at miyembro ng ahensya.

Kabilang sa mga serbisyong isinagawa ang membership campaign, registration, updating at verification ng member records, Provident Benefits Claims, at aplikasyon para sa Short-Term Loan (STL).

Ayon sa lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng aktibidad ay hindi na kinailangang bumiyahe pa ng mga miyembro sa malalayong tanggapan para mag-asikaso ng mga nabanggit na transaksyon.

Matatandaang noong nakaraang taon, nagpunta rin ang Pag-IBIG on Wheels sa Binmaley Public Market, kung saan naghatid ito ng mga serbisyo sa mga residente at miyembro, kabilang ang on-the-spot processing ng Pag-IBIG Loyalty Card Plus.

Sa San Nicolas, nakatuon ang kasalukuyang Pag-IBIG on Wheels sa mga pangunahing membership at benefit-related transactions, kabilang ang pag-update at beripikasyon ng records, claims at loan applications. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments