BUS TERMINALS AT HOTELS SA PANGASINAN MAHIGPIT NA IMOMONITORNG KAPULISAN; OPLAN HARABAS, ISINAGAWA NG PDEA

Tuloy ang gagawing pagbabantay ng kapulisan sa mga accommodations at bus terminals sa inaasahang dagsa ng tao na pauwi at papunta sa iba’t ibang lugar.
Sinabi ni PMaj. Katelyne Awingan, PIO ng PNP Pangasinan, na ang kapulisan at tourist police ay mag iikot sa mga natukoy na lugar na dadagsain ng tao.
Pinayuhan naman ni Awingan ang publiko na magtutungo sa Pangasinan na kung maaari ay magdala ng identification cards at mga vaccination cards dahil sa ang ilan umanong hotels ay naghahanap nito.

Samantala, nagkaroon din ng “OPLAN HARABAS”, o joint operation ng iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno sa mga sakayan sa lungsod ng Dagupan.
Nagsagawa ang PDEA ng drug test sa lahat ng empleyado ng mga bus terminals sa lungsod ng Dagupan bilang paghahanda sa Semana Santa. Gayundin, ang LTO, LTFRB, HPG at PCG ay nagkasa rin ng inspection. | ifmnews
Facebook Comments