WANTED SA KASONG ESTAFA, TIMBOG SA BAYAN NG GAMU

21
Cauayan City, Isabela- Isa pang wanted person sa bayan ng Gamu ang naaresto ng mga otoridad sa nakalatag na COMELEC Checkpoint sa lugar.

Kinilala ang suspek na itago sa alyas na “Gino”, 25-anyos, walang asawa, at residente ng District 3, Gamu, Isabela.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na patungong Brgy. Upi sa nasabing bayan ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo kung kaya’t inalerto ang mga pulis na nakaduty sa nasabing checkpoint.

Nang makarating sa checkpoint ang akusado ay nakumpirma ang kanyang pagkakakilanlan kaya agad siyang inaresto sa pangunguna ni PSMS Ruel Joseph Maltu.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong Estafa o paglabag sa Art. 315, Par. 1 (b), ng Revised Penal Code.

Samantala, pansamantalang nakalaya ang suspek sa kaparehong araw matapos nitong makapaglagak ng nagkakahalagang P40,000 bilang piyansa.

Facebook Comments