Pangulong Rodrigo Duterte, hindi nababahala sa usapin ng Destabilization Effort laban sa kanya

6

MANILA, PHILIPPINES – Tiniyak ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na hindi nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng destabilization effort o tangkang pagpapabagsak sa kanyang administrasyon.

 

Sa katunayan, ayon kay Andanar, tumawa lang si Pangulong Duterte at sinabing bahala na si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo tungkol dito.

 

Posibleng konektado ito aniya sa muling pagbuhay ni Senator Antonio Trillanes IV sa isyu ng bank account ni Pangulong Duterte at testimonya kahapon ni retired SPO3 Arthur Lascañas.

 

Dagdag pa ni Andanar, handa na rin sila sa nilulutong malawakang kilos protesta sa Sabado, Pebrero 25 kasabay ng paggunita sa EDSA People Power Revolution.



Facebook Comments