Business permit ng iba pang branch ng Chuzon Supermarket, pinasususpinde

Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government o DILG na suspendihin ang business permit ng iba pang branch ng Chuzon Supermarket.

Ito ay kasunod ng pagguho ng kanilang branch sa Porac, Pampanga matapos ang magnitude 6.1 na lindol.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, iinspeksyunin na rin ang iba pang branch ng nasabing supermarket para matiyak na hindi na mauulit ang katulad na pagguho.


Facebook Comments