BUSINESSMAN NAHULIHAN NG IBA’T IBANG BARIL SA LOOB NG BAHAY NITO SA TAYUG

Arestado ang isang 40-anyos na negosyante sa isinagawang operasyon ng pulisya sa bayan ng Rosales noong Nobyembre 2, 2025, dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 51 sa Tayug, Pangasinan, sinalakay ng mga tauhan ng Rosales Municipal Police Station ang tahanan ng suspek. Tumagal ang operasyon hanggang 8:35 ng umaga at nagresulta sa pagkakaaresto ng nasabing lalaki.

Narekober sa loob ng bahay ang iba’t ibang uri ng armas at bala kabilang ang isang .38 revolver, isang .45 pistol (Armscor), apat na bala ng 9mm, labing tatlong bala ng .45, dalawang magazine ng .45, isang maroon na coin purse, at isang itim na bag na may tatak na U.S. Army.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Rosales Police ang suspek habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments