BUSOG! | Kompanya sa US, nagha-hire ng "chief grilling officer" para mag-travel at kumain ng barbecue

Amerika – Nangangailan ngayon ng isang “chief grilling officer” ang kompanyang Reynolds Wrap na handa raw nilang bayaran ng 10,000 US dollars para mag-travel at kumain ng barbecue.

Ang kanyang sasahurin, katumbas lang naman ng mahigit kalahating milyong piso.

Ang sinumang maha-hire ay ipapadala raw nila sa mga top barbecue cities sa Amerika para tikman ang mga grilled meats at matutunan ang grilling culture at barbecuing techniques doon.


Pero required siya na i-share ang kanyang mga natutunan at mga larawan niya mula sa kanyang mga biyahe sa Reynolds Kitchen website at social media channels.

Ang kakaibang trabaho na ito ay tatagal lang daw ng dalawang linggo.

Facebook Comments