BUY-BUST | 2 tulak ng marijuana, arestado sa Tanza, Cavite

28

Tanza City – Kalaboso ang dalawang tulak ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Tanza City sa Cavite.

Mahigit anim na kilong marijuana na nagkakahalaga ng P120,000 ang nasabat mula sa mga suspek na sina James Wanson at Timothy Yag-Ao.

Bumiyahe pa mula kalinga hanggang Cavite ang mga suspek para maghatid ng isang kilong marijuana na binili sa kanila ng isang nagpanggap na buyer.

Nabatid pa na karamihan sa mga customer ng mga suspek ay taga-Maynila, Bulacan, at Cavite.

Facebook Comments