BUY-BUST | 6, arestado sa iligal na droga sa Leyte

Leyte – Arestado ang anim na tao kabilang ang isang chairman ng Sangguiang Kabataan (SK) sa Barangay Guadalupe, Baybya City sa Leyte.

Sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP sa isang bahay na ginagawang drug den kung saan dito na nahuli sa aktong bumabatak ng shabu an mga suspek.

Kinilala ang mga nadakip sina Jomar Jose Polo, John Palu Navales, Jester James Lora, Epheren Son Flores, Edison Flores, SK Chairman Doni Francis Pascua at John Zarate na nagawang makatakas sa operasyon.


Nakumpiska sa kanila ang limang sachet ng shabu na may estimated market value na P24,400 at iba pang mga drug paraphernalia.

Facebook Comments