MURDER | Manila Police, kinasuhan ang kabaro kaugnay ng pagkamatay ng isang 13 anyos na binatilyo sa Tondo

Tondo, Maynila – Kinasuhan na ng Manila Police District ng murder ang isa nilang pulis kaugnay ng pagkamatay ng isang trese anyos na binatilyo sa Tondo, Maynila. Inireklamo ng MPD sa Office of the City Prosecutor si PO2 Omar Malinao matapos nitong mapatay ang biktimang si Aldrinne Pineda. Nabatid na ang bala ng baril na iprinisinta ng ina ng biktima ay nag-match sa sinuring bala na galing sa baril na naka-issue kay Malinao. Una nang sumuko ang pulis at ngayon ay nakakulong sa homicide division ng MPD kung saan sinampahan din ng hiwalay na reklamo si Malinao sa Office of the Ombudsman.

Facebook Comments