BUY-BUST OPERATION | Pitong indibidwal na sangkot sa iligal na droga, arestado matapos na masakote ang bahay na kanilang pinagtataguan

Manila, Philippines – Nabulaga ang anim na taong sangkot sa iligal na droga matapos na tumakbo sa pinagtataguan nilang bahay ang isang pusher na hinahabol ng mga pulis sa Tondo, Maynila.

Sa ulat, nagkasa ng buy bust operation ang mga otoridad laban sa pusher na si Danilo Magno kung saan nang makatunog ay tumakbo ito pero naabutan sa kaniyang bahay.

Dito na nakita ang mga kasabwat nito na sina Virgilio Magno, Carlo Magno, Rosana Magno, Gelly Anne Nedrona, Jason Odayat at isang 15-ayos na binatilyo na nagre-repack ng shabu.


Narekober mula sa mga suspek ang nasa 29 na plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P285,000.00 at isang kalibre ng baril.

Facebook Comments