TIMBOG | Babaeng nakikipagtalik kapalit ng iligal na droga, arestado sa Quezon City

Manila, Philippines – Sa kagustuhan makabatak ng shabu ng libre, arestado ang isang babae na aminadong nakikipagtalik kapalit ng paggamit ng iligal na droga sa Payatas, Quezon City.

Nakilala ang nadakip na si Vina Ferialde kung saan nasakote din ang drug pusher na si Biboy Montajos at isang 17-anyos na binatilyo na nagsisilbing look-out nito.

Ayon kay Vina, naisipan niyang gamiting ang katawan para makalibre ng droga dahil sa wala siyang trabaho at hindi niya kakayanin kapag hindi nakabatak ng shabu.


Nabatid na sinubukang tumakas ng pusher na si Montajos sa pamamagitan ng pagtalon sa bubong pero napilayas ito kaya at nakorner ng mga otoridad.

Facebook Comments