BUY-BUST | P3.4-M halaga ng shabu, nasabat sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos mabilhan ng P3.4 million halaga ng shabu sa buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa Malate, Manila.

Nakuha sa suspek na si Salahuddin Kindayo alias Bato na tubong Cotabato ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 500 gramo.

Nabatid na dati nang nahuli ang suspek noong Mayo 22, 2018 pero nakapagpiyansa.


Inaalam na ng mga otoridad kung may kinalaman ang suspek sa mga malalaking sindikato sa Mindanao.

Facebook Comments