KALABOSO | Lalaking wanted, arestado sa Maynila

Manila, Philippines – Naaresto na ng mga awtoridad ang isang lalaking matagal ng pinaghahanap ng mga awtoridad sa Maynila.

Kinilala ang suspek na si Rolando Dizon alyas Lando, 46-anyos at residente ng Gagalangin Tondo.

Dinakip si Dizon sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong qualified trespass to dwelling.


Nakatakda namang iharap ang suspek sa korte na nagpalabas ng kaniyang warrant of arrest.

Facebook Comments