Buzzer-beater ni Rajon Rondo, tumapos sa 5-game win streak ng Boston Celtics

Boston – Tinapos ng Los Angeles Lakers ang five-game win streak ng Boston Celtics matapos ang dikit na laban kanina, 129-128.

Kumubra ng 28 points, 12 rebounds at 12 assists si LeBron James para iahon ang Lakers mula sa masaklap na 42-point loss sa kamay ng Indiana Pacers noong Miyerkules.

Dinagdagan pa ito ng 25 points ni Kyle Kuzma.


Pero pinaka-agaw atensyon sa laro ay ang ipinukol na buzzer-beater ni Rajon Rondo para itulak sa panalo ang Lakers, bukod pa ang naiambag niyang 17 points para sa team.

Nabalewala naman ang 24 points ni Kyrie Irving maging ang 22 points ni Jayson Tatum para sa Boston.

Facebook Comments