Binuksan na ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) sa mga motorista ang bahagi ng C5 Southlink Expressway kahapon na may habang 2.2 kilometers simula sa C.P. Garcia Avenue sa Taguig City papuntang Sucat sa Parañaque City.
Aabot sa P1.6-bilyon ang halaga ng budget na inilaan para sa pagsasagawa ng proyekto sa nasabing lugar na may kabuuang P11 bilyong pisong budget ng 7.7 kilometer project.
Ang nasabing proyekto ay may layuning idugtong ang Cavite Expressway (Cavitex) sa C5 road.
Inaasahan naman na sa huling kwarter ng taong 2021, matatapos ang proyekto kung saan, tinatayang 50,000 motorista patungong Makati, Taguig, Las Piñas at iba pang siyudad sa timog ng Metro Manila ang makikinabang.
Facebook Comments