Milyong pisong halaga ng mga pekeng kontrabando, sinira ng BOC

Sinira ng Bureau of Custom (BOC) ang mga kumpiskadong nasa mahigit labin-dalawang cigarette making machines kasama ng mga pekeng sigarilyo na aabot sa 150 million pesos ang halaga.

Bukod sa mga ito, pinagulungan din sa pison ang isang sports car naidineklarang ‘use of spare parts’ na nagkakahalaga ng 7 milyong piso.

Sa pagsira ng BOC sa mga kumpiskadong kontrabando, umaasa sila na madadala na ang mga smugglers maging ang mga empleyadong kasabwat nila.


Matatandaang ipinatawag at binantaang kakasuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang mga kawani ng customs na kasabwat ‘umano’ sa suhulan.

Ayon kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero, may mga nag alok na raw na magbitiw sa kanilang mga pwesto.

Facebook Comments