CAAP, maglulunsad ng webinar sa tamang paggamit ng drone

Photo Courtesy: Civil Aviation Authority of the Philippines

Magsasagawa ng online seminar o webinar ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa mga nais matuto at mag-operate ng Unmanned Aerial Vehicle o drone.

Sinabi ni CAAP Spokesman Eric Apolonio na pangungunahan ng Regulatory Standards Development Division ng CAAP ang seminar sa Remotely Piloted Aircraft System and Flight Safety.

Gagawin nila ang nasabing webinar sa October 19, 2020 kung saan inaasahang mabibigyan ng tamang kaalaman at gabay ang mga nagnanais gumamit at bumili ng drone para sa kanilang trabaho o bilang libangan ngayong panahon ng pandemya.


Ituturo rin sa seminar ang mga restriksyon ng pagpapalipad ng mga drone tulad ng mga pagbabawal sa pagpapalipad nito sa mga lugar na matao, malapit sa mga kampo ng militar at mga paliparan.

Mapapanood din sa official Facebook page ng CAAP ang kabuuang webinar.

Layon nito na maiwasan ang mga posibleng paglabag sa pagpapalipad ng drone ng operator nito at maging ang kaligtasan.

Facebook Comments