CAAP, naglabas ng NOTAM kaugnay sa aerospace flight activities ng China

 

Naglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM) kaugnay sa special aerospace flight activities ng China.

Sa naturang NOTAM, tinukoy ng CAAP ang estimated area kung saan babagsak ang unburned debris.

Ang pinakahuling NOTAM ay epektibo sa June 29, 2024, mula alas-7:49 ng gabi hanggang alas-9:33 ng gabi.


Maglalabas muli ang CAAP ng panibagong advisory sakaling may development sa mga aktibidad ng China sa himpapawid.

Facebook Comments