Naglabas kahapon ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos ang pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ang NOTAM ay inilalabas ng CAAP para alertuhin ang mga piloto sa potensiyal na hazards sa kanilang ruta na dadaanan na maaaring makaapekto sa kaligtasan ng mga aircraft.
Ayon sa CAAP, epektibo ito mula alas-12:21 kahapon hanggang mamayang alas-11:00 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot sa isang kilometro ang taas ng ibinugang usok ng bulkan kahapon na nakita mula sa bayan ng Juban.
Facebook Comments