President-elect Bongbong Marcos, ipagpapatuloy pa rin ang pagba-vlog kahit maupo na bilang pangulo

72

Ipagpapatuloy ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaniyang pagba-vlog kahit maupo na siya bilang pangulo sa Hunyo 30.

Ayon kay Marcos, patuloy niyang gagamitin ang vlog para magbigay ng update sa publiko sa kaniyang mga naging aktibidad.

Ito rin aniya ang magsisilbing alternatibong mapagkukunan ng impormasyon sa ilalim ng kaniyang panunungkulan bukod sa mainstream media.


Una nang sinabi ni incoming press secretary Trixie Cruz-Angeles na isa sa magiging prayoridad ng presidential communications operations office ang pag-accredit sa vloggers para mag-cover ng mga press briefings sa Malacañang.

Facebook Comments