CAAP, pinagsasagawa ng full equipment audit sa NAIA ng isang kongresista

Iginiit ni Committee on Transportation Chairman at Antipolo City Representative Romeo Acop sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP na magsagawa ng full equipment audit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sabi ni Acop, ito ay para madetermina kung ano ang tunay na dahilan ng pagpalya ng Communications, Navigation, Surveillance / Air Traffic Management (CNS/ATM) System noong January 1 kaya pansamantalang natigil ang operasyon sa NAIA.

Atas ito ni Acop makaraang sabihin ni 1-RIDER Party-list Rep. Bonifacio Bosita na makakahadlang sa takbo ng imbestigasyon kung hindi pa rin matukoy ang eksaktong dahilan kung bakit nagkaproblema ang circuit breaker na syang ugat ng pagpalya ng CNS/ATM System.


Bunsod nito ay pinapasumite naman ni APEC Party-list Rep. Sergio Dagooc sa CAAP ang kumpletong listahan ng spare parts inventory nito sa nakalipas na tatlong taon.

Bukod dito ay pinapasumite din ni Dagooc sa CAAP ang official report partikular ang electrical component ukol sa nangyaring NAIA crisis nitong unang araw ng taong 2023.

Facebook Comments