Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at delegasyon nito, nasa biyahe na ngayon pabalik ng Pilipinas matapos dumalo sa World Economic Forum

Bumabiyahe na sakay ng Philippine Airlines 001 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at kanyang delegasyon pabalik ng Pilipinas matapos dumalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Ang pangulo ay umalis sa Switzerland alas-8:00 ng gabi (oras sa Switzerland) o alas-3:00 ng madaling araw ng sabado sa Pilipinas.

Inaasahang lalapag ang eroplanong sinasakyan ng pangulo sa Pilipinas alas-4:00 ng sabado ng hapon.


Sa huling araw ng pangulo sa Switzerland, nakipagkita ito sa Filipino Community.

Facebook Comments