3 puganteng Chinese national, naaresto ng BI

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit ang tatlong Chinese nationals na pugante sa kanilang bansa.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, nakatanggap ng impormasyon ang pamahalaan mula sa Chinese authorities na nagtatago ang tatlong pugante sa Pilipinas.

Aniya, kasalukuyang naka-detain ang tatlo sa boarding facility ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.


Patuloy ring ipino-proseso ang deportasyon ng tatlo.

Facebook Comments