CAAP, pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa airlines bago magtungo sa airport sa harap ng pag-alburoto ng Mt. Kanlaon

Pinapayuhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga pasahero na makipag-ugnayan muna sa kanilang airlines bago magtungo ng paliparan.

Sa harap ito ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, mapanganib sa mga eroplano ang paglipad sa bisinidad ng Mt. Kanlaon.

Gayunman, sa ngayon aniya wala pa naman silang namo-monitor na mga kanseladong flight.

Sinabi ni Apolonio na bagama’t malapit sa Mt. Kanlaon ang Bacolod at Silay Airport, tuloy-tuloy naman aniya ang mga paglipad ng eroplano bagama’t naglabas ang CAAP ng Notice to Airmen.

Sa abiso ng CAAP, pinaiiwas ang mga flight operator na lumipad malapit sa bulkan ng 22,000 feet ang taas dahil sa panganib dulot ng abo.

Ang pagpapalawig ng NOTAM ng CAAP ay magdedependa pa sa magiging sitwasyon ng bulkan.

Facebook Comments