Kandidato sa Pasig City na inireklamo dahil sa kontrobersiyal na biro sa single moms, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema

Naglabas ng show cause order ang Korte Suprema laban sa abogadong si Atty. Christian “Ian” Sia.

Ayon sa SC, may sampung araw si Sia para sumagot at magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat patawan ng disiplinary action.

Inireklamo sa Supreme Court ang tumatakbong kongresista sa Pasig City dahil sa biro nito sa campaign rally tungkol sa mga single mom.

Isinampa ang reklamo nina Atty. Allen Liberato-Espino at Atty. Michelle Laserna-Adricula dahil sa sexist na pahayag ni Sia.

Sa isang liham na may petsang April 7, humiling ang Gabriela National Alliance of FIlipino Women sa SC na imbestigahan ang insidente at magpatupad ng nararapat na aksyon laban kay Sia.

Samantala, sinabi naman ni Director Wee-Lozada, Head ng Comelec Task Force SAFE, ngayon ang last day ni Sia sa naunang show cause order ng poll body tungkol sa kaparehong issue.

Kanina nang maglabas ng panibagong show cause order ang Comelec laban kay Sia para pagpaliwanagin dahil sa pahayag nito tungkol naman sa ‘body size’ ng kanyang babaeng staff.

Facebook Comments