CAAP, tiniyak na walang napinsalang airport sa Bicol Region kasunod ng pagsabog ng Mt. Bulusan

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang airport sa Bicol Region ang napinsala ng pagsabog kahapon ng Mt. Bulusan sa Sorsogon Province.

Partikular dito ang Bulan Airport, Daet Airport, Masbate Airport, Naga Airport, Virac Airport, at Bicol International Airport.

Ayon kay CAAP Area 5 Manager Cynthia Tumanut, ang mga nabanggit na paliparan ay normal na nag-o-operate ngayon.


Sa kabila nito, naka-alerto ang CAAP sa mga susunod pang aktibidad ng bulkan.

Naglabas din ng Notice to Airmen (NOTAM) ang CAAP sa mga piloto na iwasang lumapit masyado sa bulkan at dumistansya ng 10,000 feet sa himpapawid dahil mapanganib sa eroplano ang ibinubugang abo ng bulkan.

Facebook Comments