PCG, tumutulong na rin sa road clearing operations sa Juban, Sorsogon kasunod ng pagsabog ng Mt. Bulusan

72

Tumutulong ang Philippine Coast Guard (PCG) Station Sorsogon sa road clearing operations sa Brgy. Puting Sapa, Juban, Sorsogon.

Kasunod ito ng pagsabog kahapon ng Mt. Bulusan sa nasabing lalawigan.

Ayon sa PCG, sa pinakahuling tala, umabot na sa 58 pamilya o 216 na residente ang inilikas at kasalukuyang nananatili sa Juban Evacuation Center.


Patuloy naman na naka-alerto at naka-monitor ang PCG sa mga aktibidad ng bulkan.

Facebook Comments