Israel, kukuha na rin ng Pinoy workers na ide-deploy sa Israeli Aerospace at health sectors

84

Bukod sa pagkuha ng Filipino hotel workers, plano rin ng Israel na kumuha ng mga manggagawang Pinoy na ilalagay sa Israeli aerospace at medical sectors.

Inanunsyo ito ng Philippine Embassy sa Tel Aviv matapos na dumating sa Israel ang unang batch ng Pinoy workers sa ide-deploy sa mga hotel doon.

Tiniyak naman ng pamahalaan ng Pilipinas ang sapat na proteksyon at benepisyo sa mga dine-deploy na Pinoy workers sa nasabing bansa.


Patuloy rin na tumataas ang bilang ng Filipino caregivers na nagtatrabaho ngayon sa Israel.

Facebook Comments