Caba-Ibulao Road sa Lagawe, Ifugao, Nakaranas ng Pagguho ng Bato dahil sa Pag-uulan

Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang clearing operations ng mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Ifugao makaraang magkaroon ng paglandslide sa kahabaan ng Caba-Ibulao road, Lagawe, Ifugao pasado 2:00 ng madaling araw kahapon, October 16.

 

Batay sa ulat ng PDRRMO, nagkaroon ng pagguho ng malaking bato kung kaya’t hirap ang mga otoridad na maialis agad ang nakahambalang na bato sa daan at kinailangan pa ang breaker para gamitin dito.

 

Naiulat din ang iba pang lugar na nakaranas ng pagguho ng lupa gaya ng Brgy. Liwon, Brgy. Namal, Brgy. Antipolo, Brgy.Pula and Brgy. Amduntog of Asipulo, Ifugao habang nasira ang tulay at hindi madaanan na sakop ng Sitio Malling, Salamague, Lamut, Ifugao.


 

Nangyari ang pagguho bunsod ng nararanasang pag-uulan dahil sa Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa layong 1,660 km east ng Mindanao.

 

Samantala, makakaranas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-uulan sa Probinsya ng Apayao partikular sa Calanasan at Luna; Cagayan, partikular sa Baggao, Claveria, Gattaran, Gonzaga, Lallo, Pamplona and Penablanca; Isabela partikular sa Cabagan, San Pablo at Tumauini kung saan 1-2 oras na makakaapekto ang ulan sa mga kalapit na lugar.

 

Nakahanda naman ang pwersa ng PDRRMO sa anumang posibleng mangyari kung magtutuloy-tuloy ang nasabing pag-uulan.

 

 

 

Facebook Comments