Cabatbat, pinangunahan ang dayalogo sa mga magsasaka sa Nueva Ecija

Pinangunahan ni Atty. Argel Cabatbat ng Distrito Uno ng Nueva Ecija ang dayologo sa mga magsasaka sa Luzon ukol sa lumalalang sitwasyon ng agrikultura sa bansa na ginanap sa National Food Authority (NFA) compound sa Cabanatuan.

Nakibahagi sina Senatorial aspirant Benhur Abalos, top Department of Agriculture officials, at grupo ng mga magsasaka na nanawagan para sa pag-amyenda ng Rice Tariffication Law o Republic Act No. 11203.

“Nagsimula ito noong bumagsak ang presyo ng palay. Nagkaisa tayo na magtipon sa Guimba Bypass Road para marinig tayo ng gobyerno,” aniya ni Cabatbat. “Pero pinatigil ang ating peaceful rally, hinarang ang mga magsasaka galing Zambales, Bataan, Aurora, Pampanga, at Tarlac. Kahit kinansela ang permit, pumunta pa rin tayo. Nawasak ang ating stage, pinutol ang kuryente. Ang naging entablado natin noon? Kaban ng palay.”


Giit pa ni nais ng mga magsasaka na magkaroon ng kakampi na na tutulong sa kanila sa sektor ng agrikultura.

“Ang mga magsasaka, hindi naghahanap ng kaaway. Naghahanap kami ng kakampi,” ipinunto niya. “At inimbitahan natin si Sec. Benhur Abalos dahil siya ang unang nagsabi—dapat nang baguhin ang Rice Tariffication Law.”

“Kung walang maglalakas-loob na ipaglaban ang magsasaka, ako ang mauna. Hindi ako hihinto hanggang maibalik ang dignidad ng pagsasaka sa Pilipinas,” sinabi pa ni Cabatbat na nakakuha nv palakpakan mula sa mga magsasaka.

Nanindigan din si Abalos para sa mga magsasaka at nanawagan din para sa reporma.

“Noong may kapangyarihan ang NFA na bumili at magbenta ng bigas, hindi ganyan ka-lugmok ang mga magsasaka,” anu Abalos. “Napakasimple ng solusyon—ibalik ang kapangyarihan ng NFA. Bumili sa tamang presyo, ibenta agad. Hindi na kailangang ipa-imbak pa. Umiikot ang pera, buhay ang magsasaka.”

Kasama sa dayalogo ang mga pangunahing pambansang figure tulad ng NFA Administrator Larry Lacson, DA Undersecretary Asis Perez, at Dating Agriculture Secretary Leo Montemayor.

Facebook Comments