Cacai Bautista, na-friendzone ni Ahron Villena

Manila, Philippines – Todo-deny ang aktor na si Ahron Villena sa naging pahayag ng singer/comedian na si Cacai Baustista.

Kamakailan sa isang press conference, tila ipinahiwatig ni Cacai na nagkaroon nga ng romantic relationship sa pagitan nila ni Ahron na dati na ring na-link sa kanya.

Pero mukhang hindi ito nagustuhan ni Ahron.


Noong Huwebes, naging usap-usapan ang post ng aktor sa kanyang twitter account na may caption na, “Ako ang alam ko never naging tayo.”

Dagdag pa nito, nanahimik lang daw siya dati sa mga isyung may relasyon sila bilang pagrespeto kay Cacai.

Taong 2015 nang ma-link si Cacai kay Ahron dahil sa mga sweet photo and videos ng dalawa sa social media.

Facebook Comments