Posibleng ihasik na lang ang abo sa halik na ipahid sa noo ng mga mananampalataya kaugnay ng sagradong pagdiriwang ng Ash Wednesday sa February 26, 2020.
Ito ay base sa pahayag ni Fr. Louie Occiano ng Caceres Commission on Communication at parish priest ng Baao Parish Church sa Camarines Sur sa panayam ng DWNX kanina lamang.
Ang bagay na ito ay base na rin sa pahayag ng CBCP na maari naming gawin ito kaugnay ng patuloy na banta ng posibleng pagkalat ng corona virus.
Idinagdag pa ng CBCP na iwasan na rin muna ang paglagay ng Holy Water sa mga lalagyan sa pintuan ng simbahan. Maari ring ito ay ihasik na lamang ng pari sa halip na kamayin ng mga mananampalataya pagpasok sa simbahan.
Nauna rito, ilang simbahan sa Hongkong ang nagsuspendi ng pagdaraos ng banal na misa kaugnay pa rin ng banta ng corona virus.
Gayunpaman, sinabi ng CBCP na hindi naman kailangang suspendehin ang mga gawaing pang-simbahan, bagkus, kailangan lang ang dobleng pag-iingat para makaiwas sa sakit.
Subalit nilinaw ni Fr. Louie na hinihintay pa nila ang opisyal na pahayag ni Archbishop Rolando Tria Tirona ng Archdiocese of Caceres.
Caceres Archdiocese//Abo at Holy Water Posibleng Ihasik na lang sa Ash Wednesday Kaugnay ng Banta ngCorona Virus
Facebook Comments